MANILA, Philippines — Pinangunahan ng estudyante mula sa Unibersidad ng Pilipinas na si Czar Matthew Gerard Dayday ang listahan ng mga Bar topnotchers noong 2022, bagay na inilabas na ng Korte Suprema ngayong Biyernes.
Umabot sa 3,002 mula sa kabuuang 9,183 kumuha ng pagsusulit ang nakapasa, dahilan para maabot ng 43.47% ang passing rate noong nakaraang taon.
Related Stories
Narito ang listahan ng 30 nakakuha ng pinakamataas na ratings mula sa lahat ng mga nais maging abogado:
Kapansin-pansin na puro taga-UP ang nasa top 5:
- Dayday, Czar Matthew: 88.808%
- Marinas, Erickson: 88.7666%
- Cregencia, Christiane: 87.9667%
- Yu, Andrea Jasmine: 87.7750%
- Gatapia, Kim Gia: 87.4250%
Makikita naman dito ang performance ng mga law schools ngayong taon kaugnay ng nasabing pagsusulit.
Ang eksaminasyon noong nakaraang taon ang ikalawang beses na ikasa ito online habang nasa kalagitnaan ng COVID-19 pandemic.
Manunumpa ang mga nabanggit pagsapit ng ika-2 ng Mayo. — James Relativo