^

Bansa

Higit 1 milyong batang Pinoy, pasok sa child labor

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Higit 1 milyong batang Pinoy, pasok sa child labor
Base sa ‘Special Release on Working Children Situation for 2019 to 2021 ‘ na inilathala ng Philippine Statistics Authority (PSA), mayroong 1.37 milyong bata ang nagtatrabaho sa ngayon. 
STAR / File

MANILA, Philippines — Higit sa isang mil­yong batang Pilipino ang iniulat ng Department of Labor and Employment (DOLE) na sangkot sa child labor sa bansa sanhi upang bumalangkas ang kagawaran ng mas ma­lakas na kampanya para maresolba ang problemang ito.

Base sa ‘Special Release on Working Children Situation for 2019 to 2021 ‘ na inilathala ng Philippine Statistics Authority (PSA), mayroong 1.37 milyong bata ang nagtatrabaho sa ngayon. 

Pinakamarami sa sek­tor ng agrikultura at pinakamataas ang insidente ng child labor sa Northern Mindanao region.

Dito umano palalaka­sin ng DOLE ang kanilang pag-monitor sa mga ba­tang laborers at pagsasagawa ng hakbang para maalis sila dito, ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma.

Mula 2018 hanggang 2022, nasa 620,556 child laborers ang kanilang na-profile, 614,066 ang nai-refer sa kaukulang mga ahensiya at organisasyon, nakapagbigay ng serbisyo sa 138,460 at naialis sa child labor ang 148,248 sa kanila.

Ngayong 2023, pra­yoridad ng DOLE na maalis sa child labor ang nasa 160,288 bata na na-profile noong 2022.

CHILD LABOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with