Mataas na approval, trust ratings nina Pangulong Marcos Jr., Vise Presidente Sara napanatili

Vice President Sara Duterte together with Executive Secretary Vic Rodriguez welcomed President Ferdinand "Bongbong" Marcos at the NAIA Terminal 2 in Pasay City on September 8, 2022 evening as he arrived from his state visit from Indonesia and Singapore.
STAR / KJ Rosales

MANILA, Philippines —  Napanatili nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte ang mataas na trust at approval ratings, sa pinakahuling resulta ng Pulse Asia Survey.

Nakopo ni Marcos ang 78% approval rating pero mababa ito ng 4 puntos sa nagdaang survey at 80% trust rating na 3 puntos na mababa kumpara noong November 2022 survey.

Nanatili naman ang approval ni Duterte sa 83%, pero 1 puntos na pagbaba sa nagdaang survey at napanatili ang nakuhang trust rating na 85%.

Sa survey, may 5% ang disapproved kay Marcos at 16% undecided. Si Duterte ay may 4 percent disapproved at 13% undecided,

Samantala 5% ang may konting trust kay Marcos, 15% undecided; 3% ang may konting trust kay Duterte at 12% undecided.

Bumaba naman ng 12 points ang approval ni Marcos sa Class ABC (65%), pagbaba ng 8  points sa Metro Manila (68%) at pagbaba ng 7 points sa nalalabing bahagi ng Luzon (70%).

Si Duterte ay bumaba ng 15 points ang approval sa Class ABC (70%) at tumaas ng 5 points sa Visayas (97%).

Ang trust rating ni Marcos sa Class ABC ay bumaba ng 11 points (69%) at pagbaba ng 8 points sa MM (73%) at sa nalalabing bahagi ng Luzon ay bumaba ng 5 points (73%), habang si Duterte ay may pagbaba sa trust ng 6 points (76%) sa Class ABC.

Ang survey ay ginawa mula Marso 15-19, 2023 gamit ang face-to-face na panayam sa 1,200 adult respondents.—  Malou Escudero

Show comments