^

Bansa

72 patay sa lunod noong Holy Week - PNP

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
72 patay sa lunod noong Holy Week - PNP
Ayon kay Philippine National Police (PNP) spokesperson Col. Jean Fajardo, ang mga insidente ay naitala sa Calabarzon, Ilocos, Bicol at Central Luzon.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Umaabot sa 72 katao ang naiulat na nasawi bunsod ng pagkalunod sa iba’t ibang resort at beach sa gitna ng paggunita ng Semana Santa.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) spokesperson Col. Jean Fajardo, ang mga insidente ay naitala sa Calabarzon, Ilocos, Bicol at Central Luzon.

Paliwanag ni Fajardo, ang pagdagsa ng mga bakasyunista at bunsod ng mahabang holidays at matagal na pananatili sa mga tahanan dahil sa COVID-19.

“People got a bit excited to go to beaches and resorts,” ani Fajardo.

Ang mga namatay ay bunga ng kawalan ng bantay sa mga bata habang naglalangoy at kalasingan.

“Nakita natin sa report, particularly ‘yung mga minor po, napabayaang naglalangoy sa dagat at biglang napunta doon sa malalim na bahagi. ‘Yung iba naman po sa swimming pools,” dagdag pa ni Fajardo.

Itinuturing ni Fajardo na “unusual” at mataas ang bilang ng mga nasawi kumpara sa nagdaang mga taon.

Ani Fajardo, siksikan ang mga resort at mga beach kaya nahirapan ding marespondehan agad ang  lugar ng pinangyarihan ng insidente.

Kaugnay nito, nagpaalala si PNP chief PGen. Rodolfo Azurin Jr. na bantayang maigi ang mga bata tuwing may family outings, at iwasan din aniya ang paglalasing habang nagsu-swimming upang maiwasan naman ang mga insidente ng pagkalunod.

ACCIDENT

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with