^

Bansa

Marcos Jr. sa Araw ng Kagitingan: Diskriminasyon labanan!

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Marcos Jr. sa Araw ng Kagitingan: Diskriminasyon labanan!
President Ferdinand Marcos Jr. speaks in this undated photo.
Office of the Press Secretary

MANILA, Philippines — Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang sambayanan na igalang at kilalanin ang naging sakripisyo ng mga bayani ng Ikalawang Digmaan sa pamamagitan ng pagtulong sa mga nangangailangan at labanan ang diskriminasyon.

Ito ang naging mensahe ni Marcos kahapon sa kanyang pakikiisa sa ika-81 taong paggunita ng Araw ng Kagitingan.

Ayon sa Pangulo, maraming pagsubok na ang pinagdaanan ng bansa mula noong Ikalawang Digmaan hanggang sa panahon ng insurgency, subalit naipakita natin sa buong mundo ang katatagang taglay ng mga Filipino.

Bukod pa rito, naipakita rin umano ng sambayanan na kayang harapin ang anumang pagsubok at nanati­ling matatag at determinadong bumangon sa lahat ng pagkakataon.

Dahil dito, bilang pagkilala rin sa sakripisyo at legasiyang iniwan ng mga bayani, kaya hinikayat din ng Pa­ngulo ang mga Filipino na labanan at manindigan laban diskriminasyon, tumulong sa mga nangangailangan at makipagtulungan para sa mas magandang kinabukasan.

Idinagdag pa ni Marcos na dapat matutunan din ng mga Filipino ang manindigan at gumawa ng mga tamang desisyon para matugunan ang mga problema ng bansa ng may malasakit at pagkilala sa karapatan ng bawat isa.

Sa kabila nito, pinaalalahanan naman ng punong ehekutibo ang sambayanan na nakasalalay sa kinabukasan ng bansa at susunod na mga henerasyon ang mga aksiyon at desisyon sa kasalukuyan.

PANGULONG FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with