MANILA, Philippines — Kalbaryo ang bubungad sa mga Pilipino matapos ang Semana Santa dahil sa panibagong pagsirit ng presyo ng mga produktong petrolyo sa darating na linggo.
Maaring tumaas ng P1.30 hanggang P1.60 bawat litro ang presyo ng diesel, samantalang sa gasolina ay maaring tumaas ng P2.50 hanggang P2.80 bawat litro.
Karaniwang nag-aanunsyo ang mga kumpanya ng fuel price adjustments tuwing Lunes at ipapatupad ng Martes.
Simula April 3, tumaas ng P1.40 bawat litro ang presyo ng gasoline, samantalang tumaas ng P0.50 bawat litro ang presyo ng diesel at kerosene.
Ang kasalukuyang presyo ng gasolina ay tumaas ng P3.25 bawat litro simula taong kasalukuyan, habang bumaba naman ang presyo ng diesel at kerosene ng P3.65 at P5.05 bawat litro.