P85 SRP sa asukal, itatakda ng DA

Workers repack different types of sugar at a store in Visayas Avenue Wet and Dry Public Market in Quezon City on February 16, 2023.
STAR / Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Itatakda ng Department of Agriculture (DA) sa P85 hanggang P90 ang suggested retail prices ng kada kilo ng asukal sa merkado ngayong Abril.

Ayon kay Agriculture Assistant Secretary at deputy spokesman Rex Estoperez, nasa P70 kada kilo naman ang bentahan ng asukal sa mga Kadiwa outlets.

Ayon kay Estoperez, nakatakdang magpulong ang mga opisyal ng DA at Sugar Regulatory Administration sa mga stakeholders para isapinal ang pagpapatupad ng SRP sa asukal.

Base sa monitoring ng DA sa Metro Manila, nasa P85 hanggang P110 ang presyo ng asukal kada kilo.

“We are trying to expedite this (SRP) but since its Holy Week, it could be implemented after the Holy Week together with the P70 per kilo of seized sugar at the Kadiwa,” pahayag ni Estoperez.

Pinamamadali na rin ng DA sa SRA ang pagri-release ng mga imported na asukal para maibaba na ang presyo.

Nasa 115,000 metrikong tonelada ng asukal na ang dumating sa bansa habang nasa 40,000 metrikong tonelada na ang naipalalabas sa merkado.

Show comments