'Oops': Bomb squad dinispatsa inaakalang bomba sa Maynila, kaso vape lang pala
MANILA, Philippines — Matagumpay na naaksyunan ng Manila Police District, Miyerkules, ang isang "kahina-hinalang" package sa Paco, Maynila matapos pangambanahang naglalaman ito ng bomba — kaso hindi naman pala ito sumasabog, umuusok lang at hinihipak.
Ito ang napag-alaman ng MPD matapos magtungo kanina ang kanilang bomb squad sa kanto ng Linao St. at Pedro Gil St. bandang 12:31 p.m.
Inireklamo kasi ng isang Norma Daos ang nakuhang package na iniabot sa kaya ng isang taong hindi niya kilala, bagay na naglalaman daw ng dalawang kahon.
"[They] were about to ride a van going to Ninoy Aquino Intrernational Airport terminal when an unidentified person asked a favor to bring with her an item (one echo bag containing two boxes) to be claimed at SAUDI ARABIA by a person named Ryan Yu," sabi ng spot report ng kapulisan.
"The driver of the van warned this applicant saying, 'Do not bring any item which does not belong to you because you don’t know the content,' prompted the latter to leave the items to the reporting person."
Agad namang iniulat ang insidente sa pamamagitan ni MPD-District Mobile Force Battalion (DMFB) Commander PCol. Jilius Cubos Anonuevo, na kalauna'y nagtalagaya sa DMFB INTEL na pinamumunuan ni PCMS Policarpio Aguilar upang kumpoirmahin ang reporter.
Kalaunan ay kinoordina naman ito sa Paco Police Community Pricinct. Agad naman nilang sinabihan ang MPD-Explosive Ordnance Division (EOD) para sa "proper disposition" ng sitwasyon.
Bomb sniffing dog naalarma kahit hindi dapat
Gumamit ng "explosive detection dog" sa erya upang makumpirma kung pampasabog talaga ang laman ng mga kahon. Ipinahayag ng aso na "positibong explosive" ang laman nito.
Sa kabila nito, lumabas sa paunang assessment na walang anumang explosive materials ito sa loob at pawang vape products lang, sabi ng The STAR. Dinispatsa ang package bandang 1:23 p.m. gamit ang water disruptor.
"Hindi natin pwedeng basta-basta buksan 'yan dahil hindi tayo EOD o bomb expert... 'Pag bagaheng kahina-hinala, tatawag tayo ng EOD o canine unit para sila ang mag-assess kung ano ang laman niyan," wika ni Maj. Roderick Dismaya, PCP Commander ng Paco MPD station sa ulat ng state-owned Radyo Pilipinas.
"Pwedeng na-contaminate 'yung kanyang package kaya umupo 'yung aso. Dalawang beses umupo eh. 'Yung asong ginamit natin is explosive detection dog. Pang-explosives talaga 'yon."
Kasalukuyan naman nang payapa sa naturang lokasyon matapos ang takot ng publiko na may sasabog.
- Latest