MANILA, Philippines — Bilang hudyat sa pagsisimula ng Semana Santa, hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga Katolikong bansa na maging “better agents of change” sa pamamagitan ng pagkilala pa sa Panginoong Hesukristo.
Sa mensahe ng Pangulo, sinabi niya na bagama’t mahirap maunawaan ang mensahe ng kaligtasan at buhay na walang hanggan ay nananatili itong napapanahon lagi.
“I urge all of us now to make this promise personal: Let it stir in each of us the desire to know Jesus Christ more so that we may become better agents of change and conveyors of truth wherever we go,” sabi ni Marcos.
At habang nagngingilin at nagtitika ang mga Filipino sa epekto ng pagkamatay at pagdurusa ng Panginoong Hesukristo, sinabi ng Pangulo na “inevitable that our thoughts will gravitate to the events and challenges of recent years.”
Kaya nanawagan ang Pangulo sa mga Filipino na ituon ang ating kaisipan at kilos sa pagkabuhay ng Panginooon at katagumpayan na ibinibigay niya sa atin hanggang ngayon.