MANILA, Philippines — Umaabot sa P35 bilyon ang kabuuang savings collection ng Social Security System (SSS) mula sa Workers Investment and Savings program mula sa 4.9 milyong SSS members sa ikalawang taon ng implementasyon nito.
Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet, ang savings collection sa ilalim ng WISP doble ang laki simula ng umpisahan ang programa noong 2021.
“From January to December 2021, we initially collected P15.48 billion. In 2022, the savings collection grew by 31% to P20.4 billion which brought the total WISP contributions to P35.84 billion,” pahayag ni Macasaet.
Anya, mula sa 3.7 milyong miyembro noong 2021 ay umaabot na ito ngayon ng 4.9 milyon.
Ang WISP ay isang mandatory provident fund scheme na pinamamahalaan ng SSS na nagsisilbing dagdag na savings para sa private-sector workers at ibang individual paying members mula January 2021. Dagdag itong savings na magagamit sa retirement bukod sa regular SSS benefit.
Qualified dito ang mga private-sector employees, self-employed individuals, OFWs, at voluntary members na walang final claim na may contributions sa regular SSS program at may Monthly Salary Credit (MSC) na higit sa P20,000.
Maaaring tingnan ng mga miyembro ang kanilang WISP contribution online sa pamamagitan ng My.SSS account.