^

Bansa

SSS mandatory provident fund savings tumaas ng P35 bilyon

Pilipino Star Ngayon
SSS mandatory provident fund savings tumaas ng P35 bilyon
Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet, ang savings collection  sa ilalim ng WISP doble ang laki simula ng umpisahan ang programa noong 2021.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Umaabot sa P35 bilyon ang kabuuang savings collection ng Social Security System (SSS) mula sa Workers Investment and Savings program mula sa 4.9 milyong SSS members sa ikalawang taon ng implementasyon nito.

Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet, ang savings collection  sa ilalim ng WISP doble ang laki simula ng umpisahan ang programa noong 2021.

“From January to December 2021, we initially collected P15.48 billion. In 2022, the savings collection grew by 31% to P20.4 billion which brought the total WISP contributions to P35.84 billion,” pahayag ni Macasaet.

Anya, mula sa 3.7 milyong miyembro noong 2021 ay umaabot na ito ngayon ng 4.9 milyon.

Ang WISP ay isang mandatory provident fund scheme na pinamamahalaan ng SSS na nagsisilbing dagdag na savings para sa private-sector workers at ibang individual paying members mula January 2021. Dagdag itong sa­vings na magagamit sa retirement bukod sa regular SSS benefit.

Qualified dito ang mga private-sector employees, self-employed individuals, OFWs, at voluntary members na walang final claim na may  contributions sa regular SSS program at may  Monthly Salary Credit (MSC) na higit sa P20,000.

Maaaring tingnan ng mga miyembro ang kanilang WISP contribution online sa pamamagitan ng My.SSS account.

SSS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with