Marcos pinuri ni Bong Go sa pagpapatuloy ng Duterte legacy
MANILA, Philippines — Pinuri ni Senator Christopher “Bong” Go si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa pagpapatuloy at pagpapalawak pa ng legasiya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, partikular sa programang Build, Build, Build tungo sa pag-unlad ng bansa.
“Let us continue to capitalize on the gains of the Build, Build, Build program of the previous administration as this can also be used to sustain and to complement the ‘Build Better More’ program of President Ferdinand Marcos, Jr., to ensure that no one will be left behind in the road towards recovery,” ani Go.
Sa pagdiriwang ng kaarawan ng dating Pangulong nitong Marso 28, nagpasalamat si Pangulong Marcos Jr., sa pamamagitan ng isang video message, sa lahat ng sakripisyong ginawa ni Duterte para sa bansa at nangako siyang ipagpapatuloy ang mga legasiya o programa ng nakaraang administrasyon na naging makabuluhan at nakatulong sa mga Pilipino.
Kamakailan, inimbitahan si Go sa inagurasyon ng pinakamalaking port passenger terminal building (PTB) sa bansa sa Port of Calapan City sa Oriental Mindoro.
Binigyang-diin ni Go na ang Build, Build, Build program ay inilunsad ng nakaraang administrasyon sa layong mapabilis ang paglago ng ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng pagtatayo ng iba’t ibang proyektong pang-imprastruktura, tulad ng mga paliparan, daungan, highway, tulay, at iba pa.
“Gusto ko pong pasalamatan ang ating mahal na Pangulong Bongbong Marcos (Jr.) sa pagpapatuloy po ng mga proyekto through his Build Better More (program). Hindi po ito matatapos kung hindi po sa suporta ng ating mahal na Pangulong Bongbong Marcos. Maraming salamat po President Marcos sa pagpapatuloy po ng mga magagandang proyekto ni Pangulong Rodrigo Duterte,” sabi ni Go sa kanyang speech sa inagurasyon.
Pinuri rin ng senador ang dating Pangulo sa paglalatag ng pundasyon para sa pangmatagalang programa sa imprastraktura at sa dedikasyong mabigyan ng mas komportableng buhay ang Filipino.
- Latest