^

Bansa

Barko nasunog sa dagat, 31 patay!  

Danilo Garcia, Doris Franche-Borja, John Unson - Pilipino Star Ngayon
Barko nasunog sa dagat, 31 patay!   
Inaapula ng Philippine Coast Guard ang apoy sa passenger vessel na MV Lady Mary Joy 3 na nasunog sa Baluk-Baluk Island,
STAR/ File

MANILA, Philippines — Pumalo na sa 31 ang bilang ng nasawi sa nasunog na passenger vessel sa Baluk-Maluk Island sa Basilan kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Basilan LGU Spokesman Richard Falcatan, posibleng madag­dagan pa ang bilang dahil hindi pa napupuntahan ng mga rescuers ang ibang bahagi ng barkong M/V Lady Mary Joy 3.

Pinakahuling nakuha ang 18 sunog na bangkay na nasa second deck ng barko.

Sinabi ni PCG Commodore Rejard Marfe na nag-panic ang mga tao na karamihan ay natutulog nang maganap ang sunog. Isinadsad umano ng kapitan ang barko sa mababaw na parte ng dagat para mas mada­ling makalangoy ang mga pasahero.

Samantala, sinabi ni Philippine Coast Guard-Zamboanga Commander Christopher Domingo, nagsimula ang apoy sa accommodation area ng barko.

Sinabi naman ni PCG District BARMM Commander Commodore Rejard Marfe, ang 10 sa mga namatay ay dahil sa pagkalunod.

“As of now, continuous ‘yung pag-search natin sa barko para makita natin kung meron pang cadavers na madi-discover,” ani Marfe.

Nasa 230 ang nailigtas habang siyam ang nagtamo ng sugat.

Iniimbestigahan na ng PCG ang sanhi ng sunog habang inalis na ang anggulong overloading dahil nasa 403 ang kapasidad ng barko.

Wala pa namang napaulat na oil spill mula sa barko.

Patungo sana sa Jolo, Sulu ang MV Lady Mary Joy 3 mula Zamboanga City nitong Marso 29 nang sumiklab ang sunog.

Kinumpirma rin ni Marfe na dinala ng kapitan ng barko sa  Baluk-Maluk Island sa Hadji Muhtamad town ang barko upang mailigtas ang mga pasahero.

Umalalay na rin ang PPA sa mga survivor at agad nagpaabot ng tulong gaya ng kape, pagkain, at masisilungan katuwang ang Maritime Industry Authority (MARINA) at PCG.

Ito’y matapos makara­ting kay PPA General Manager Jay Santiago ang ulat ng pagkasunog ng nasabing barko.

BALUK-MALUK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with