Bong Go: Barangay leaders krusyal sa nation building

MANILA, Philippines — Binigyang-diin ni Senator Christopher “Bong” Go ang mahalagang papel ng barangay leaders sa nation building, partikular sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa kanilang komunidad.

Sinabi ito ni Sen. Go sa pagdalo niya sa Liga ng Barangay sa Pilipinas (LNBP) Clustered General Membership Assembly sa Waterfront Hotel sa Cebu City.

Sa kanyang talumpati, kinilala ni Go ang pagsisikap ng mga opisyal ng barangay, hindi lamang sa pandaigdigang krisis sa kalusugan kundi maging sa pagtugon sa mga sitwasyon ng krisis at araw-araw na pakikibaka ng kanilang nasasakupan. 

Sinabi ni Go na kung lubos na susuportahan ang barangay officials ay hahantong ito sa higit pang pagpapabuti sa local governance at grassroots development. 

“Full support po ako sa barangay officials. Alam n’yo po ‘yan lahat. Galing po ako sa baba. Alam n’yo, sa city hall ng Davao, umaga pa lang ang kaharap ko barangay captain, barangay kagawad, barangay official. Iyon po ang parati kong nakakaharap doon. Hanggang pag-uwi sa gabi, sila pa rin ‘yung nandidiyan. Sila po ang may dala ng problema – sunog, baha, patay, away sa barangay, hospital bills. Kayo po ‘yung nagdadala talaga ng serbisyo sa ating mga kababayan,” ayon kay Go.

Show comments