Composite sketch ng suspek sa pagpatay sa police chief ng Bulacan, inilabas ng PNP
MANILA, Philippines — Inilabas na ng Philippine National Police (PNP) ang composite sketch ng suspek na nasa likod ng pagpatay sa hepe ng San Miguel Police na si Lt. Col Marlon Serna.
Ang suspek ay nasa edad 35, may taas na 5’3 hanggang 5’4 , dark brown ang balat at medium built ang pangangatawan.
Lumilitaw na ang mga suspek ay sakay ng Yamaha Mio nang barilin si PLt. Col. Marlon Serna.
Umaasa si PNP Spokesman Col. Jean Fajardo na makatutulong ang inilabas na composite sketch upang matunton ang mga suspek.
Matatandaang si Serna ay nasawi sa tama ng bala sa ulo nang paputukan ng suspek na lulan ng motor sa Brgy. Bohol na Mangga, San Ildefonso, Bulacan bandang alas-9:30 nitong Sabado ng gabi.
Rumesponde sa insidente si Serna at mga kasamahan sa report na nakawan at hinabol ang mga suspek sa Buhol na Mangga kung saan nangyari ang barilan.
Samantala, itinaas na sa P1.7 milyon ang pabuya para sa makapagbibigay ng impormasyon na makapagtuturo sa suspect.
Ito’y matapos na magdagdag ng P.5 milyon si San Miguel Mayor Rid Tiongson.
Nauna ang nagbigay ng pabuya ang DILG na P.5 milyon, PRO3 P300,000, CPNP na P200,000 at Bulacan Gov. Daniel Fernando na P200,000.
- Latest