^

Bansa

DA naghahanda sa ‘worst case scenario’ sa suplay ng bigas dahil sa El Niño

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
DA naghahanda sa ‘worst case scenario’ sa suplay ng bigas dahil sa El Niño
Una nang sinabi ng PAGASA na ang El Niño ay maaaring mabuo sa Hulyo, Agosto hanggang sa Set­yembre ng taong ito, at maaari pang magtagal hanggang taong 2024.
STAR / File

MANILA, Philippines — Tiniyak kahapon ni Department of Agriculture (DA) Assistant Secretary at deputy spokesman Rex Estoperez na pinaghahandaan na ng pamahalaan ang anumang ‘worst-case scenario’ pagdating sa suplay ng bigas, bunsod na rin ng banta ng El Niño phenomenon.

Ayon kay Estoperez, tinatrato ng DA ang El Niño, gaya rin ng iba pang kalamidad, dahil ang epekto naman nito sa agricultural production ay katulad rin ng sa mga bagyo.

Aniya, ang National Food Authority (NFA) ay inatasan nang bumili ng palay para magkaroon ng buffer stock ang bansa.

Maaari rin silang mag-angkat ng bigas sakaling magkaroon ng kakulangan ng suplay nito.

Sinabi pa ng DA official na bagamat sinabi ng PAGASA na ang impact ng tagtuyot ay maaaring maramdaman sa Visayas at Mindanao, gumagawa na rin aniya ang pamahalaan ng kinakailangang paghahanda para sa buong bansa, kabilang ang Luzon.

Kabilang aniya sa mga naturang preparasyon ay ang pagtugon sa mga tagas sa irrigation system upang maiwasan ang pagkasayang ng suplay ng tubig.

Hinihikayat din aniya nila ang mga magsasaka na magtanim rin ng iba’t ibang uri ng pananim na resilient o makakatagal sa init.

Aniya pa, dahil mahal, ang cloud seeding ang magiging huling opsiyon ng pamahalaan upang magkaroon ng tubig ang mga irrigation systems.

Una nang sinabi ng PAGASA na ang El Niño ay maaaring mabuo sa Hulyo, Agosto hanggang sa Set­yembre ng taong ito, at maaari pang magtagal hanggang taong 2024.

EL NIñO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with