Top Central Visayas solons, inilabas ng RPMD survey

MANILA, Philippines — Sina Deputy Speaker Vincent Franco “Duke” Frasco ng Cebu (Distrito 5), Pablo John “PJ” Garcia ng Cebu (Distrito 3), at Manuel “Chiquiting” Sagarbarria ng Negros Oriental (distrito 2) pinakamahusay na Congressman sa Central Visayas Region, ayon sa independent, non-commissioned na “Boses ng Bayan” nationwide survey ng RP-Mission and Development Foundation (RPMD).

Statistically-tied sina Frasco (95%), Garcia (95.2%), at Sagarbarria (95.1%).

Samantala sina Edu Rama Jr. ng Cebu (D2) ay pumangalawa na may 91.5%, sinundan ni Rhea Gullas ng Cebu (D1) na may 88.6% sa ika-3 puwesto, si Cynthia Chan ng Lapu-Lapu City (86.4%) ang ika-apat sina Edgar Chatto ng Bohol (D1) na may 85.7% at Jocelyn Limkaichong ng Negros Oriental (D1) na may 85.5% ay nagtabla sa ika-5.

Ang mga kinatawan na sina Maria Vanessa Aumentado ng Bohol (84.9%), Emmarie Quano-Dizon ng Mandaue City (83.6%), Daphne Lagon ng Cebu, D2 (83.5%), Lexie Tutor ng Bohol, D3 (82.7%), ­Janice Salimbagon ng Cebu, D4 (82.3%), Peter John Calderon ng Cebu, D7 (81.8%), Rachel Del Mar ng Cebu, D1 (81.6%), Zaldy Villa ng Siquijor (75.3%) at Edsel Galeos ng Cebu, D2 na may 75.1% ang nasa 6-10 puwesto.

Samantala, si Rep. Arnie Teves ng Negros Oriental (D3) ay may dismal performance rating na 33%. Itinigil ang Negros Oriental (District 3) survey noong Marso 4, 2023, para sa kaligtasan ng field team ng RPMD, kasunod ng pagpatay kay Governor Roel Degamo, na may 93% approval rating. Ang mga ­rating para kay Gobernador Degamo at Rep. Teves ay natipon sa pagitan ng Pebrero 28 at Marso 3, 2023.

Binigyang-diin ni Dr. Paul Martinez, ang Executive Director ng RPMD, na sinusuri ng mga nasasakupan ang performance ang kanilang mga Congressman sa tatlong pamantayan: “representation”, “legislation”, at “constituent service”.

 

Show comments