Mangingisda, magsasaka, residente sa kanayunan pinakamahirap na sektor – PSA
MANILA, Philippines — Ang mga nakatira sa kanayunan, mga magsasaka at mangingisda ang nananatiling pinakamahirap na sektor sa bansa noong 2021 batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa naturang data, ang mangingisda ang may highest poverty incidence noong 2021 na 30.6 percent, sinundan ng mga magsasaka (30%), mga kabataan (26.4%) at indibidwal na naninirahan sa kanayunan (25.7%).
Ang naturang sektor ang siya ring may pinaka- mataas na poverty incidence noong 2015 at 2018.
Ayon sa PSA, ang sektor na ito ay may pinaka- mataas na bilang ng indibidwal na ang pamilya ay may mababang kita kumpara sa ibang sektor ng lipunan.
Nagpakita naman ng mataas na bilang ng poverty incidence sa basic sectors ang mangingisda na tumaas sa 4.4 percent mula 2018 hanggang 2021.
Sinundan ito ng kabataan na 2.5%, mga may edad 15-anyos pataas na may kapansanan (2.5%) at mga indibidwal na naninirahan sa urban areas ay 2.3%.
Ang mga magsasaka ang nagpakita ng bawas sa poverty incidence na (-1.6%) mula 2018 hanggang 2021.
Ayon sa PSA, ang indibidwal na naninirahan sa kanayunan ang may pinakamaraming bilang ng mahihirap noong 2021 na may 13.67 million sinundan ng mga kabataan na may 10.46 million at kababaihan na may 9.99 million.
- Latest