MANILA, Philippines — Ang digital media ay isa sa positibong bunga ng pandemic. Sa paraang ito ay para upang mapalapit lalo sa mahal sa buhay, kaibigan, at higit sa lahat ay pagnenegosyo.
Malaking tulong ang social media sa mga indibidwal upang instant na makakonek sa iba’t ibang relasyon, friends, at kahit saang panig ng mundo.
Kaya sinamantala rin ng Pilipino Star NGAYON ang hamon ng digital media. Nandiyan ang PSN Facebook Live, PSN YouTube, at PSN Epaper. Hindi lamang nakapokus ang PSN sa pagbibigay ng balita at impormasyon. Bagkus ang hangarin higit sa lahat ng PSN kung paano makatulong sa ating mga mamamayan. Upang hikayatin ang mga netizens na matuto sa mga samu’t saring positibong pananaw sa buhay.
Ang isa sa magandang proyekto ng PSN sa digital media ay ang konsepto kung paano magbigay ng tamang impormasyon sa ating mga readers at netizens. Isa na rin ang pagtalakay ng Business o Financial Literacy Talk. Upang maging wais ang mga readers at mamamayan. Upang hindi tayo magising na dukha bagkus ay magkaroon ng kaalaman kung paano pahahalagahan ang ating financial na aspeto. Ito ay sa pakikipagtulungan ng PSN sa ating mga experts na tagapagsalita upang maging makabuluhan ang talakayan ng pangkabuhayang usapin para sa ating mga netizens.
Abangan po natin ang proyektong handog ng Pilipino Star NGAYON.
Samantala, nagwagi naman ang PSN kamakailan bilang Most Outstanding Digital Tabloid sa 5th Gawad Lasallianeta.