^

Bansa

93% ng Pinoy naranasan hagupit ng climate change sa nakalipas na 3 taon — SWS

James Relativo - Philstar.com
93% ng Pinoy naranasan hagupit ng climate change sa nakalipas na 3 taon — SWS
Children play along a flooded street in Kawit, Cavite province on October 30, 2022, a day after Tropical Storm Nalgae hit.
AFP/Jam Sta. Rosa

MANILA, Philippines — Ayon sa pinakahuling pag-aaral ng Social Weather Stations (SWS), mahigit siyam sa 10 Pilipino na ang personal na nakaranas ng negatibong epekto ng pagbago-bagong panahon dulot ng pag-init ng temperatura ng mundo sa nakalipas na tatlong taon — ang lahat ng ito nangyayari kasabay ng pagtaas ng greenhouse gas emissions.

Ito ang napag-alaman ng SWS sa kalalabas lang nilang survey nitong Huwebes. Sa kanilang sample population, lumalabas na nasa 93% ng mga Pinoy na nasa wastong gulang na ang nakaranas ng epekto ng climate change.

"More specifically, the survey found 17% saying they have experienced severe impact of climate change in the past three years, 52% saying moderate impact, and 24% saying little impact. Six percent did not experience any impact," sabi ng SWS sa isang pahayag kanina.

Ang bilang ng mga personal na nakaranas nito ay umakyat ng 6% kumpara noong Marso 2017 at 8% kumpara noong Marso 2013. 

Sa kabila nito, kumonti naman ng 3% points ang mga nakaranas ng "severe" impact, bagay na na-offset ng 10-point increase sa mga naka-experience ng moderate impact.

Gayunpaman, maraming Pinoy ang naniniwalang may magagawa pa sila upang mabawasan ang climate risk:

  • Agree: 88% (strongly agree, 37% somewhat agree)
  • Undecided: 10%
  • Disagree: 3% (2% somewhat disagree, 1% strongly disagree)

"This gives a net agreement score (% agree minus % disagree) of +85, classified by SWS as very strong[i] (+50 and up). This indicates a very strong personal efficacy to do something to reduce climate risk," wika pa ng SWS.

Lumalabas din sa pag-aaral na nasa tatlo sa apat na Pinoy ang naniniwalang may magagawa ang sangkatauhan upang mapigilan o mapabagal ang climate change kung susubukan talaga:

  • May magagawa: 76%
  • Labas na sa kontrol ng tao: 23%
  • Hindi sigurado: 1%

Bago ang pag-aaral, nasa 81% ng respondents ang nakakaalam na sa climate change habang 19% naman sa kanila ang nalaman lang ito noong panahon ng interview.

Ang mga dati nang nakakaalam ng climate change ay tumaas ng 7% kumpara noong Marso 2017 at 15% noong Marso 2013.

Ikinasa ang Fourth Quarter 2022 SWS survey na ito mula ika-10 hanggang ika-14 ng Disyembre gamit ang harapang panayam sa 1,200 katao edad 18-anyos pataas. Kumuha ang grupo ng 300 mula sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas at Mindanao.

May sampling error margins ang pag-aaral ng ±2.8% para sa national percentages habang ±5.7% naman ito para sa Metro Manila, Balance Luzon, the Visayas, at Mindanao. Ang survey items na iniulat rito ay hindi kinomisyon ninuman at ginawa sa sariling inisyatiba ng SWS bilang serbisyo publiko.

CLIMATE CHANGE

FLOODS

SOCIAL WEATHER STATIONS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with