Top congressmen ng Calabarzon, inilabas ng RPMD

MANILA, Philippines — Inilabas ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) ang performance assessment sa lahat ng miyembro ng House of Representatives para sa 1st quarter ng 2023.

Sa Region IV-A (CALABARZON), na binuo ng 5 lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon, si Cong. Jolo Revilla ng Cavite ay nakakuha ng pinakamataas na job performance rating na 91.7%. Sumunod si Batangas Cong. Ralph Recto na may 91.2%, Laguna Cong. Amben Amante, 89.4%; Quezon Cong. Jay-jay Suarez (89.2%), at Antipolo Cong. Robbie Puno, 89.1%.

Samantala, si Cong. Len Alonte ng Biñan (87.6%), Cong. Aniela Tolentino ng Cavite (87.4%), at Cong. Romeo Acop ng Antipolo (87.2%) ay nagtabla sa ikatlong puwesto. Si Cong. Jack Duavit ng Rizal (85.8%), Cong. Dan Fernandez ng Santa Rosa (85.3%), at Cong. Mark Enverga ng Quezon (85.2%) ay tabla sa ikaapat na puwesto. Si Cong. Pidi Barzaga ng Cavite (83.7%) at Cong. Ruth Mariano-Hernandez ng Laguna (83.5%) ang nasa ika-5 puwesto.

Tinasa at niraranggo ng mga constituents ang mga Congressmen batay sa “representation, legislation, at constituent service, ayon kay Dr. Paul Martinez, Executive Director ng RPMD.

Sina Cong. Cha Hernandez ng Calamba City (81.5%), Cong. Jinky Bitrics Luistro ng Batangas (81.3%), Cong. Maitet Collantes ng Batangas (81.2%), Cong. Lani Mercado-Revilla (78.3%), Cong. Roy Loyola ng Cavite (78.2%) Cong. Ann Matibag ng Laguna (78.1%), Cong. Jam Agarao ng Laguna (76.7%), Cong. Mike Tan ng Quezon (76.5%), Cong. Jojo Garcia ng Rizal (76.3%) Cong. Fidel Nograles ng Rizal (75.5%), Cong. Reynan Arrogancia ng Quezon (75.3%), Cong. Ony Ferrer ng Cavite (72.8%), Cong. Marvey Mariño ng Batangas (72.6%), Cong. AJ Advincula ng Cavite (72.3%), Cong. Lianda Bolilia ng Batangas (69.4%), Cong. Eric Buhain ng Batangas (69.3%) at Cong. Dino Tanjuatco ng Rizal (69.1%) ay nasa ikaanim hanggang ika-11, ayon sa pagkakabanggit.

Show comments