MANILA, Philippines — Limang milyong piso kada araw ang nawawala sa mga mangingisda dahil sa naganap na oil spill sa Oriental Mindoro.
Sinabi ni Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Chief Information Officer Nazario Briguera, may 19,000 mangingisda ang nawalan ng kita dahil sa fishing ban na ipinatupad sa mga bayan na tinamaan ng oil spill.
Ayon kay Briguera, habang patuloy ang ginagawang paglilinis ng Philippine Coast Guard (PCG) at mga volunteer group sa karagatan na inabot ng oil spill ay wala pang katiyakan kung kailan magbabalik sa kanilang hanapbuhay ang naturang mga mangingisda.
Iniimbestigahan din anya ng BFAR ang posibleng epekto ng oil spill sa mga lamang dagat dahil maaaring maapektuhan nito ang pagdami ng isda sa karagatan,
Patuloy naman anyang tinutulungan ng BFAR ang mga apektadong mangingisda sa pamamagitan ng pagkakaloob sa mga ito ng livelihood assistance habang hindi pa maaaring maglaot dahil sa oil spill.