^

Bansa

P5 milyong nawawala sa mga mangingisda kada araw dahil sa oil spill – BFAR

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
P5 milyong nawawala sa mga mangingisda kada araw dahil sa oil spill – BFAR
Sinabi ni Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Chief Information Officer Na­zario Briguera, may 19,000 ma­ngingisda ang nawalan ng kita dahil sa fishing ban na ipinatupad sa mga bayan na tinamaan ng oil spill.
Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Central Ofiice

MANILA, Philippines — Limang milyong piso kada araw ang nawawala sa mga mangingisda dahil sa naganap na oil spill sa Oriental Mindoro.

Sinabi ni Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Chief Information Officer Na­zario Briguera, may 19,000 ma­ngingisda ang nawalan ng kita dahil sa fishing ban na ipinatupad sa mga bayan na tinamaan ng oil spill.

Ayon kay Briguera, habang patuloy ang ginagawang paglilinis ng Philippine Coast Guard (PCG) at mga volunteer group sa karagatan na inabot ng oil spill ay wala pang katiyakan kung kailan magbabalik sa kanilang hanapbuhay ang naturang mga mangingisda.

Iniimbestigahan din anya ng BFAR ang posibleng epekto ng oil spill sa mga lamang dagat dahil maaaring maapektuhan nito ang pagdami ng isda sa karagatan,

Patuloy naman anyang tinutulungan ng BFAR ang mga apektadong mangi­ngisda sa pamamagitan ng pagkakaloob sa mga ito ng livelihood assistance habang hindi pa maaaring maglaot dahil sa oil spill.

BFAR

PCG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with