Higit 400K kukuha ng Career Service Exam

MANILA, Philippines — Tumaas ng mahigit doble sa bilang na 403,567 katao ang nagpatala para kumuha ng Career Service exam sa darating na Marso 26 ng taong ito kumpara sa 147,877 registrants noong Agosto 7, 2022 exams.

Ayon kay Civil Service Commission (CSC) Chairman Karlo Alexei Nograles, 350, 645 indibidwal o 86.89% ang kabuuang examinees na kukuha ng Career Service Examination-Pen and Paper Test (CSE-PPT) para sa professional level habang nasa 52,922 o 13.11 % ang inaasahang kukuha ng sub-professional test sa 94 testing sa bansa.

“Gaya ng ating inaasahan, halos kalahating milyon ang nakapag-register para sa darating na pagsusulit ngayong Marso. Dahil dito, nagtalaga kami ng karagdagang testing centers upang maayos na ma-accommodate lahat ng examinees. Pinapayuhan namin ang lahat ng examinees na basahin at intindihing mabuti ang Examination Advisory No. 2, s. 2023 na makikita sa aming website,” pahayag ni Nograles.

Ang mga examinees ay hinihikayat ring bisitahin o magsagawa ng ocular inspection sa mga eskuwelahan kung saan ang mga ito nakatala na kukuha ng pagsusulit lalo na hindi pamilyar sa lugar ang mga examinees para hindi ang mga ito maligaw at umabot sa oras ng examination dahil ang mga late ay hindi na pahihintulutang kumuha ng pagsusulit.

Pinapayuhan rin ng CSC ang mga examinees na magdala ng valid ID card sa araw ng pagsusulit o ng kaparehong ID card na iprinisinta ng mga ito sa aplikasyon para sa nasabing pagsusulit, magsuot ng maayos na damit sa araw ng pagsusulit at iwasan ang pagsusuot ng short, sando, sleeveless na damit, tokong pants, ripped jeans at tsinelas.

Show comments