Mahihirap na residente sa Tarlac inayudahan ni Bong Go

MANILA, Philippines — Patuloy sa pagsasagawa ng outreach activities, inayudahan ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga mahihirap na residente sa bayan ng San Manuel at Ramos noong Sabado, isang araw matapos silang magsagawa ng katulad na pamamahagi ng tulong sa Concepcion.

Sa kanyang video message, binigyang-diin ni Go na ang pamahalaan ay gumaganap ng isang mahalagang papel sa pagpapalakas ng ekonomiya at paghahatid ng kalidad na serbisyo publiko upang matugunan ang pangangailangan ng mga Pilipino, lalo sa mga mapanghamong panahon.

Kamakailan, iniakda at itinaguyod ni Go ang Senate Bill No. 1594 na naglalayong i-institutionalize ang One Town, One Product (OTOP) Philippines Program. Kung maisasabatas, makatutulong ito na mapalakas ang pagsusulong ng pagbabago sa Micro, Small at Medium Enterprises.

Idinaos sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa San Manuel at Sangguniang Bayan Hall sa Ramos, ang pangkat ni Go ay nagbigay ng ayuda sa 66 nahihirapang residente. Namigay din sila ng mga cellular phone at sapatos sa mga piling benepisyaryo.

Si Go, tagapangulo ng Senate committee on health and demography, ay palaging nakatuon sa pagpapabuti ng access sa abot-kayang pangangalagang pangkalusugan sa pamamagitan ng pagsuporta sa pagtatayo ng mas maraming Super Health Center sa bansa.

“Isinulong ko po talaga ang pagpapatayo ng mga Super Health Centers sa buong Pilipinas dahil alam ko po kung gaano ninyo kailangan na mapalapit sa inyo ang serbisyong medikal ng gobyerno,” sabi ni Go.

“’Yung mga nasa probinsya po, lalo na ‘yung mga nasa liblib na lugar, ‘yun po ang target na tayuan ng mga Super Health Centers. Para po masiguro na hindi na po nila kailangang lumayo at gumastos nang malaki para lang makapagpaospital,” dagdag niya.

Show comments