^

Bansa

SWS: 69% ng unvaccinated Pinoys ayaw pa rin paturok vs COVID-19

James Relativo - Philstar.com
SWS: 69% ng unvaccinated Pinoys ayaw pa rin paturok vs COVID-19
People flock to Ylaya Street, Divisoria, Manila for their weekend shopping on March 11, 2023.
The STAR/Ernie Penaredondo

MANILA, Philippines — Tatlong taon simula ang pandemya, marami pa ring Pinoy ang nagdadalawang-isip magpaturok laban sa nakamamatay na COVID-19 — lagpas kalahati ng populasyon ng mga wala pang bakuna sa Pilipinas.

Ito ang ibinahagi ng Social Weather Stations (SWS), Huwebes, pagdating sa adult COVID-19 vaccination status at kanilang willingness na magpabakuna.

"12% of UNVACCINATED adults are WILLING to get the vaccine, 69% are UNWILLING," pagbabahagi ng survey firm kahapon. Ang huli ay tumutukoy sa na raw sa 9.5 milyong katao.

"32% of adults vaccinated with 1ST or 2ND DOSE are WILLING to get a booster dose, 44% are UNWILLING."

Lumalabas namang 55% sa mga nasa wastong edad na naturukan na ng third dose ang payag kumuha ng fourth dose (second booster). Gayunpaman nasa 32% sa kanila ang ayaw.

Sa kabila nito, karamihan pa rin sa mga Pilipino ang pinili nang kumuha ng proteksyon laban sa COVID-19: nasa 87% ng adult Filipinos o katumbas ng 62.6 milyon.

"Status hardly moved from Apr 2002 to Dec 2022," dagdag pa ng SWS.

Ang nasabing pag-aaral ay isinagawa gamit ang harapang panayam sa 1,200 katao edad 18 pataas sa buong Pilipinas at may sampling error margin na ±2.8%.

DOH iba ang estima sa SWS

Una nang sinabi ng Department of Health (DOH) na posibleng mapanis na ang mahigit 50 milyong vaccine doses laban sa COVID-19 sa pagtatapos ng Marso 2023.

Magkaiba nang kaonti ang datos ng DOH sa SWS batay sa pinakasariwang balita ng huli: 

  • kumpleto ang una at ikalawang dose: 79.16 milyon
  • merong unang dose: 75.7 milyon
  • nakakuha ng booster shot: 24.17 milyon

Umabot na sa 4.07 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 ngayon sa Pilipinas simula noong 2020. Sa bilang na 'yan, 9,231 ang aktibo pa habang 66,245 naman ang namatay na sa karamdaman.

COVID-19 VACCINE

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

SOCIAL WEATHER STATIONS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with