MANILA, Philippines — Ibinaba na ng Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Alert Level 1 ang sitwasyon ng Bulkang Mayon sa Bicol.
Ito ay dahil sa patuloy umano sa pananahimik ang bulkan at matagal din na walang anumang palatandaan na maaari itong sumabog.
Sa abiso ng Phivolcs na dahil sa pagbaba ng alerto ng Mayon, pinaigsi rin ng ahensya sa 6 kilometers ang radius zone ng bulkan mula sa 12 kilometers noong ito ay nasa Alert Level 2.
Gayunman, binalaan ng Phivolcs ang publiko na maging mapagmatyag at alerto lalo na ang mga residente na malapit sa Mayon dahil posibleng ma-ganap ang pagguho ng lahar at bato kung may malakas na pag-ulan mula sa itaas nito.
Bukod pa umano ito sa posibleng maranasang ashfall dahil sa steam o usok mula sa bunganga ng Mayon. - Jorge Hallare