^

Bansa

Bulkang Mayon, ibinaba sa Alert Level 1

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Bulkang Mayon, ibinaba sa Alert Level 1
Sa abiso ng Phivolcs na dahil sa pagbaba ng alerto ng Mayon, pinaigsi rin ng ahensya sa 6 kilometers ang radius zone ng bulkan mula sa 12 kilometers noong ito ay nasa Alert Level 2.
Byaheng Bicol / facebook

MANILA, Philippines — Ibinaba na ng Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Alert Level 1 ang sitwasyon ng Bulkang Mayon sa Bicol.

Ito ay dahil sa patuloy umano sa pananahimik ang bulkan at matagal din na walang anumang palatandaan na maaari itong sumabog.

Sa abiso ng Phivolcs na dahil sa pagbaba ng alerto ng Mayon, pinaigsi rin ng ahensya sa 6 kilometers ang radius zone ng bulkan mula sa 12 kilometers noong ito ay nasa Alert Level 2.

Gayunman, binalaan ng Phivolcs ang publiko na ma­ging mapagmatyag at alerto lalo na ang mga residente na malapit sa Mayon dahil posibleng ma-ganap ang pagguho ng lahar at bato kung may malakas na pag-ulan mula sa itaas nito.

Bukod pa umano ito sa posibleng maranasang ashfall dahil sa steam o usok mula sa bunganga ng Mayon. - Jorge Hallare
 

PHIVOLCS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with