P20/kilo ng bigas malapit na – Pangulong Marcos Jr.

MANILA, Philippines — Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na malapit nang makamit ng kanyang pamahalaan ang P20 kada kilo ng bigas.

Sa kanyang pagsasalita sa paglulunsad ng “Kadiwa ng Pangulo” sa Pili, Camarines Sur kahapon, sinabi ng Pangu­lo na matagumpay ang programa, na nagsimula bilang Kadiwa ng Pasko noong nakaraang taon, kung saan naging abot-kaya ang mga panguna­hing bilihin para sa mga mamamayan.

“Makikita ninyo, halimbawa ‘yung bigas, ‘yung aking pangarap na sinabi noong bago akong upo na sana mapababa natin ang presyo ng bigas ng P20. Hindi pa tayo umaabot doon, dahan-dahan palapit. Nasa P25 na tayo. Kaunti na lang, maibaba natin ‘yan,” ani Marcos,

“Tapos ‘yung ginawa natin, halimbawa doon sa sibuyas, ganoon din para... Biglang nagtaasan lahat eh kulang sa produksyon. Ginawa namin ay dinagdagan namin para bumaba rin ang presyo,” dagdag ng Pangulo.

Isinagawa rin ng gob­yerno ang katulad na hakbang nang tumaas ang presyo ng asukal sa higit sa P100 kada kilo, kung saan ang presyo ng asukal ay nasa P85 na kada kilo.

Sa ngayon, inilunsad ng administrasyon ang mahigit 500 outlet ng Kadiwa ng Pangulo sa buong bansa.

Show comments