'Pagpapalayas' ng 2023 Balikatan Exercises sa Ilokanong mangingisda kinastigo

This year’s joint activities are expected to be bigger, considering the expansion of coverage of the Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) to include four more Philippine military bases where US forces can operate on a temporary basis.
Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Pinalagan ng mga progresibong grupo ang planong pagpapalikas sa mga mangingisda mula sa 21 bayan at dalawang lungsod ng Ilocos Norte bilang paghahanda sa joint training ng 17,600 Pilipino at Amerikanong sundalo.

Una nang iniulat ng Philippine News Agency na iniutusan ang municipal government authorities sa coastal towns (Pagudpod, Bangui, Burbos at Pasuquin) na pigilang pumalaot ang kanilang mga nasasakupan mula ika-10 ng Marso hanggang ika-28 ng Abril para sa kanilang "kaligtasan."

"Similar to the threat of Chinese forces to the livelihood of Filipino fishers in the West Philippine Sea, the American soldiers are about to displace our fishers for the sake of their Balikatan drills," wika ni Ronnel Arambulo, tagapagsalita ng PAMALAKAYA, Miyerkules.

"This is unacceptable and should be opposed strongly not only by the fishing sector but also the patriotic Filipinos."

Sinabi ni Col. Michael Logico, direktor ng Joint and Combined Training Center sa ilalim ng AFP Education, Training and Docrine Command at tagapagsalita para sa Balikatan 2023, na ilulunsad ito mula ika-11 hanggang ika-28 ng Abril.

Ito ang sinasabing "pinakamalaking" Balikatan Exercise, na siyang sasaklaw sa iba't ibang lokasyon gaya ng Hilagang Luzon, Palawan at Antique.

Magkakaroon ng isang "live-fire" exercise sa Ilocos Norte upang subukan ang bagong weapons system ng Estados Unidos at Pilipinas, na siyang itatayo sa Burgos.

"Filipino fishers do not deserve to be displaced from their livelihood only to provide security blanket to foreign forces carrying out military drills accompanied with live fire exercises at sea," sabi pa ni Arambulo.

"We are demanding the US troops to leave the Filipino fishers in peace and bring their warmongering power-projection elsewhere."

Relokasyon 'para sa kaligtasan'

Lunes lang nang sabihin ni Provincial Board member Giancarlo Angelo Crisostomo, chairperson ng committtee on peace and order, na inaasahang magiging malaki ang joint exercises ngayong taon. 

Makaaapekto raw kasi rito ang pagpapalawig ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa apat pang Philippine military bases kung saan pwede ring mag-operate ang mga Amerikano.

"For the safety of our constituents and to minimize hazards during the activities, there is a need for our 21 towns and two cities and the offices and agencies connected therein to possibly relocate affected fisherfolk and make way for the traffic condition," ani Crisostomo sa ulat ng state-run Philippine News Agency.

Inihahanda na rin sa ngayon ang ilang lugar malapit sa West Philippine Sea kasama na ang isla ng Fuga at Calayan, Cagayan, pati na rin ang Batanes at Palawan para sa mga naturang war games.

Magkakaroon din ng ilang observers galing sa Japan Self Defense Force sa naturang pagsasaanay.

Matagal nang sinasabi ng Estados Unidos na handa itong depensahan ang Pilipinas oras na magkaroon ng armadong pag-atake ang Tsina o anumang bansa sa West Philippine Sea. Pero para sa mga aktibista, ginagamit ng Amerika ang ganitong retorika upang matapakan mismo ang soberanya at interes ng Pilipinas.

"Hindi kami nagkamali sa pagtutol sa presensya ng mga sundalong Amerikano mula umpisa. Malinaw na walang pinagkaiba ang banta ng China at US sa mga Pilipinong mangingisda at pambansang soberanya," sabi pa ni Arambulo.

"Muli naming iginigiit ang pagpapabasura sa mga kasunduang pang-militar na pabor sa Estados Unidos tulad ng Visiting Forces Agreement (VFA) at Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA). Walang ibang magtatanggol sa ating pambansang soberanya kundi ang nagkakaisang mamamayang Pilipino kasama ang gobyernong may pampulitikang kapasyahan para itaguyod ang pambansang kasarinlan."

Show comments