^

Bansa

Tipsters, droga rin ang reward

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

Ibinisto ng 2 assets

MANILA, Philippines — Dalawang dekada na o 20 taong nagaganap ang recycling ng droga habang ang mga tipsters o informer naman ay droga rin ang tinatanggap na reward.

Nabunyag ito sa pagpapatuloy ng pagdinig ng House Committee on Dangerous Drugs na pinamumunuan ni 2nd District Surigao del Norte Rep. Robert “Ace” Barbers hinggil sa sistema ng ‘disposal’ sa mga nakukumpiskang droga ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Sa pagharap sa komite ng isang asset/informant ng PDEA at PNP, sinabi nito na bahagi ng nasasamsam na droga partikular na ang shabu ay nire-recycled o ibinebenta muli sa merkado na sa kaniyang pagkakaalam ay nasa 20 taon ng nangyayari.

Inamin ng nasabing informer ng dalawang ahensya na binibigyan siya ng “basura”, tawag sa shabu ng mga anti-illegal drug operatives, sa tuwing magkakaroon ng buy-bust operations base sa kaniyang ibinigay na impormasyon.

Ang nasabing halaga ay nasa 30%-70 %, pagbubunyag pa ng tipster.

Kinondena naman ni Barbers ang nasabing illegal na praktis at sinabing kailangang makakalap pa ng mga ebidensya at malantad ang mga pangalan ng mga sangkot sa illegal drug trade.

“The testimony of the asset confirmed what we have heard all this time. The illegal practice of giving substantial portions of the drugs seized now has a face. In due time, if evidence warrants, criminal charges will be filed”, saad pa ni Barbers.

Ibinisto rin na sa 100 kilo ng drogang nakumpis­ka ay may mga pagkakataon na 22 kilo lamang ang idedeklara ng mga awtoridad kung saan nire-recycle ang droga na muling nagbabalik sa kalye o muling ibinebenta sa mga drug user.

DROGA

PDEA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with