^

Bansa

Mag-ama mula Laguna inuwi P11.63-M lotto jackpot na 'sabay nila napanalunan'

James Relativo - Philstar.com
Mag-ama mula Laguna inuwi P11.63-M lotto jackpot na 'sabay nila napanalunan'
Litrato ng mag-ama mula sa San Pablo Laguna na parehong tinamaan ang P11.63 milyong jackport prize ng MegaLotto 6/45 matapos tayaan ang parehong mga numero, ika-28 ng Pebrero, 2023
Released/Philippine Charity Sweepstakes Offices

MANILA, Philippines —  Parehong uuwing milyunaryo ang isang mag-ama mula sa San Pablo, Laguna matapos tayaan ang parehong mga numero para sa P11.63-milyong jackpot prize ng MegaLotto 6/45 — humarap pa sila sa camera bilang patunay habang kinukubra ang premyo.

Matatandaang ika-27 ng Pebrero nang mabunot ang winning combination na 25-4-11-35-15-09, na siyang pinagsamang birthday at edad daw ng kanilang pamilya. Isang araw matapos nito, ibinalitang binili sa parehong lugar ang dalawang winning tickets.

"'Yun pong mga numbers na itinaya ng Daddy ko ay mga dates po ng mga birthdays po namin at age ko po which is 35," wika ng nakababatang anak sa ulat ng Philippine Charity Sweepstakes na inilabas ngayong Martes.

Pagbabahagi naman ng kanyang tatay, dalawang beses niya pa raw tinayaan ang mga nasabing lucky numbers: ang una ay noong 1 p.m. ng hapon at ang ikalawa naman ay noong 3 p.m.

Pag-uwi raw ng ama, ibinigay niya ang mga nasabing numero sa kanyang anak: "[S]abi ko tig-isa tayo kapag tumama hati tayo." 

"Sabi sa horoscope ko ang 2023 daw ay year of abundance para sa lahat ng ipinanganak ng 1959 at malaki ang chance na yumaman ngayon taon kaya taya lang po ako ng taya ng lotto."

Matatandaang solong napalanunan ng hiwalay na mananaya ang P75.24-milyong jackpot prize sa Grand Lotto 6/45 noong parehong araw.

'Wala pang planong pagkagastusan'

Nang matanong kung may plano na ba silang pagkagastusan ng pera, wala pa silang masagot kung hindi itabi ito sa bangko.

"Ide-deposit muna po namin sa bangko kasi paalis po sila Daddy this April. Pupunta po sila ni Mommy sa mga kapatid ko po sa Canada," patuloy ng anak.

"Siguro pagbalik nila next year dun na po namin iisipin kung ano po gagawin sa pera but basically it is for our family's future."

Nagpasalamat naman ang father-and-son tandem sa Panginoon at PCSO at nais daw maging patunay na hindi kalokohan ang lotto sa Pilipinas.

Sinasabing 30 taon nang tumataya sa lotto ang ama galiong sa Laguna habang nasa limang taon naman na itong ginagawa ng kanyang anak.

"Sorry for being frank, but the connotation is always like that kasi wala naman po akong kakilala na nanalo ng jackpot until such time na kami pala ni daddy ay mismong mabibiyayaan ng Diyos na manalo kaya panawagan ko po sa mga tao maniwala kayo sa lotto," sabi pa ng anak.

"Wala po itong daya at hindi po tayo niloloko ng PCSO kasi talagang may nananalo po ng jackpot at dalawa dun ay kami po ng Daddy ko."

Bilang paghihikayat sa mga nagdududa, ipinaliwanag ng dalawa na 30% ng kita ng PCSO ang napupunta sa iba't ibang "charitable programs" ng ahensya gaya ng Medical Access Program, Calamity Fund at Patient Vehicle Donation Program.

Sa ilalim ng Republic Act 1169, isang taong balido ang mga tiket matapos ang petsa ng pagbunot ng bola. Ifo-forfeit sa PCSO Charity Fund ang mga hindi mababawing papremya na siyang gagamitin naman daw sa mga mahihirap, mga indibidwal at institusyong nangangailangan ng ayuda at medical assistance.

Matatandaang naging sentro ng kontrobersiya ang PCSO matapos tamaan ng nasa 433 katao ang P236 mil­yong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 noong 2022.

LAGUNA

LOTTERY

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES

SAN PABLO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with