90 milyong balota sa BSKE, kumpleto na
MANILA, Philippines — Nakumpleto na ng Commission on Elections (Comelec) ang pag-iimprenta sa 90 milyong balota na gagamitin sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ngayong Oktubre 30.
Sinabi ni Comelec spokesperson John Rex Laudiangco na kabuuang 90,613,426 opisyal na balota ang natapos na ng National Printing Office (NPO) sa Quezon City.
Kabilang dito ang 66,973,949 barangay ballots at 23,639,477 SK ballots.
Sa ngayon, tinatapos na ng Comelec ang pag-imprenta sa 1.6 milyong balota ng mga nadagdag na bagong botante na nagparehistro mula Dec. 12-January 31.
Naihatid na at handa na para sa deployment ang iba pang mga poll supplies at paraphernalias. Kailangan na lamang magsagawa ng pagsasanay para sa mga magsisilbi bilang miyembro ng Electoral Boards (EBs).
“We can really say that your Comelec is 100 percent ready (for the BSKE),” ani Laudiangco.
- Latest