Oil spill posibleng umabot sa Boracay

The Philippine Coast Guard, in this photo release, reported that the effects of the oil spill, from a vessel that sunk off Oriental Mindoro waters, have reached Barangay Casian in the town of Taytay in Palawan.
Philippine Coast Guard release

MANILA, Philippines — Maaaring umabot pa sa pamosong tourist destination na Boracay island ang oil spill mula sa isang tanker na lumubog sa karagatang sakop ng Naujan, Oriental, Mindoro, ayon sa Department of Tourism (DOT).

Sa isang pahayag nitong Biyernes, sinabi ng DOT na ang pamahalaang lokal ng Malay, Aklan ay pinaghahandaan na ang posibilidad na epekto ng oil spill sa kanilang nasasakupan sakaling umabot na ito doon.

“The PCG and the Malay Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) are continuously conducting roving and monitoring along the coasts of Boracay, and have prepositioned oil slick booms in strategic areas around the island in anticipation of the oil spills,” sabi pa ng DOT.

Nakipag-ugnayan na rin ang DOT Western Visayas Regional Office sa lokal na pamahalaan ng Malay para sa posibilidad na magpaabot ng tulong sa mga turista sa Boracay sakaling umabot ang spillage sa coastal area ng isla.

Samantala, sinabi rin ng DOT na ang pina­kamatin­ding naapektuhan ng oil spill ay ang bayan ng Pola, sa Oriental Mindoro, kung saan matatagpuan ang marine protected areas at mga beach resort.

Kabilang sa sinasabing napasok na ng langis na tumagas mula sa M/T Princess Empress ang KingFisher Reserve, St. John the Baptist Marine Sanc­tuary, Song of the Sea Fish Sanctuary, Stella Mariz Fish Sanctuary, Bacawan Fish Sanctuary, St. Peter the Rock Fish Sanctuary, at San Isidro Labrador Fish Sanctuary, Bihiya Beach, 3 Cottage, Long Beach K. I, Aguada Beach Resort, Oloroso Beach Resort, Munting Buhangin Tagumpay Beach Resort, at Buhay na Tubig White Beach Resort, na pawang nasa Pola.

Patuloy naman ang pagsisikap na malinis ang coastal areas upang mas mapagaan ang epekto sa coastal communities at marine life.

Gayundin ang clean-up drives na isinasagawa mga baybayin ng Sitio Sabang, Barangay Tinogbo, Liwagao Island, Barangay Sibolo, at Sitio Tambak, sa Barangay Semirara  na pawang nasa Caluya, Antique.

Nakikipag-ugnayan na rin ang DOT sa Tubbataha Management Office sa Cagayancillo, Palawan para mapaghandaan ang mga hakbang sakaling abutin din ang Tubbataha Reef, na sikat na diving destination.

“The DOT notes with seriousness the oil spill incident and its grave impact on the tourism industry, including disruptions in the livelihood of the affected communities, tourism-dependent businesses, and recreational activities,” ani DOT Sec. Christina Garcia-Frasco .

Aniya, inaasahan pa naman ngayong taon ang pagdaong ng 34 na cruise ships sa Mindoro, Romblon, Marinduque at Palawan.

Show comments