Binhing Palay App, pwede nang gamitin ng magsasaka para mapaganda ang kita
MANILA, Philippines — Inilunsad na ng Department of Agriculture at Phil Rice ang mobile application na maaaring maging panuntunan ng mga magsasaka upang mapaganda ang kanilang kita.
Tinawag ito ng DA bilang Binhing Palay App kung saan maaaring i-download sa mga mobile phone.
Sa application na ito, makikita ang mga tamang panuntunan sa pagtatanim ng palay mula sa iba’t-ibang uri ng hybrid.
Kasama rin dito ang tamang paglalagay ng mga pataba, abono, insecticide hanggang sa pag harvest.
Makakatulong din ito para makatipid sa gastusin dahil mayroong mga gabay kung papaano mapapababa ang production cost.
Sabi ng DA, hindi lang makinarya at mga teknolohiya ang umuunlad sa paglipas ng panahon dahil may mga Information and Communication Technologist na rin na nagbibigay ng pantay na oportunidad para mapahusay at mapalakas ang modernong pagpapalayan.
- Latest