^

Bansa

Gun ban ipinatupad sa Negros Oriental

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Gun ban ipinatupad sa Negros Oriental
Sa facebook page ng NOPPO, ang lahat ng permit to carry firearm sa labas ng bahay ay suspindido pansamantala.
Miguel De Guzman, file

MANILA, Philippines — Bunsod ng pagpaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo , inihayag ng Negros Oriental Provincial Police Office (NOPPO) ang pagpapatupad ng gun ban sa buong lalawigan.

Sa facebook page ng NOPPO, ang lahat ng permit to carry firearm sa labas ng bahay ay suspindido pansamantala.

Tanging pulis, sundalo at iba pang law enforcement agencies na naka-duty ang pinapayagang magdala ng kanilang baril.

“Only the members of the PNP, AFP, and other law enforcement agencies who are performing official duties and in agency-prescribed uniforms will be allowed to carry firearms,” nakasaad sa FB page ng NOPPO.

Nagtamo ng 11 tama ng bala ng baril sa katawan si Degamo matapos pagbabarilin ng mga dating sundalo sa kanyang bahay sa Brgy. San Isidro, Pamplona, Negros Oriental habang namamahagi ng 4Ps.

Walong iba pa ang nadamay at namatay.

Nasampahan na rin ng kasong murder, frustrated murder at illegal possession of firearms ang mga nahu­ling suspek.

Samantala, sinabi naman ni Defense Secretary Carlito Galvez Jr. na magpapakalat ng karagdagang mga sundalo sa lalawigan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) upang tumulong na mapigilan ang karahasan sa lalawigan.

GUN BAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with