^

Bansa

PNP sinalakay bahay ng Rep. Arnie Teves; hinanapan ng 'loose firearms'

James Relativo - Philstar.com
PNP sinalakay bahay ng Rep. Arnie Teves; hinanapan ng 'loose firearms'
Litrato ni Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr.
Mula sa Facebook page ni Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr.

MANILA, Philippines — Ni-raid ng Philippine National Police (PNP) ang ilang bahay ni Rep. Arnolfo "Arnie" Teves Jr. (Negros Oriental) para sa sinasabing "loose firearms," Biyernes, pagkukumpirma ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ito ang ibinahagi ni Interior Secretary Benhur Abalos sa panayam ng dzBB, dahil sa bisa ng search warrant na sumasaklaw sa limang bahay. Ang operasyon ay ikinasa ng Criminal Investigation and Detection group ng PNP-Negros Occidental.

"Ilan lang diyan ang bahay ni Teves," ani Abalos, habang tinutukoy si Rep. Arnie. Ani Abalos, nagmamay-ari raw kasi si Teves ng mga armas na may mga "pekeng" dokumento. 

Nangyayari ito matapos idiin ng ilang suspek ang isang "Congressman Teves" bilang utak sa pagkamatay ni Negros Oriental Gov. Roel Degamo. Si Arnolfo ay kapatid ni dating Negros Gov. Pryde Henry Teves na mahigpit na kalaban sa pulitika ni Degamo.

Magulo ang pakay?

Kinumpirma naman ni Ferdinand Topacio, abogado ni Teves, ang nasabing raid sa hiwalay na panayam ngunit hindi pa raw nila nakikita ang nasabing search warrant, ngunit malamang naman daw ay meron itong search warrant.

"Hindi pa klaro sa amin kung sino ang hinahanap nila o kung ano ang hinahanap nila," banggit niya.

"Ikinalulungkot ko, nung dumating yung raiding party may naka-standby po dun na mga tao, mga occupants ay pinalabas po lahat. Pati abugado pinalabas at ayaw papasukin."

"Itong raid na 'to na-predict na namin ito. Almost three months I think noong nag-press conference kami ni Congressman Arnie Teves dito sa Valle Verde Country Club, na intel po sa amin na talagang ire-raid itong mga bahay."

Hindi na raw nila ito ikinagulat matapos daw makakuha ng impormasyon sa pagsalakay ilang buwan na ang nakalilipas.

Enero lang nang akusahan ni Teves si Abalos na matagal na nagplaplano ang huli na i-raid ang kanyang kabahayan upang makapagtanim ng ebidensya.

ARNOLFO TEVES JR.

BENHUR ABALOS

DILG

LOOSE FIREARMS

NEGROS ORIENTAL

ROEL DEGAMO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with