37 dahilan kung bakit patuloy natinatangkilik ang Pilipino Star NGAYON

MANILA, Philippines — Umabot na naman sa panibagong yugto ang Pilipino Star NGAYON (PSN) sa selebrasyon nito ng ika-37 anibersaryo. Sa kasalukuyan, nananatiling nangu­ngunang tabloid pa rin ang PSN sa Pilipinas.  
Kung bakit? Isa-isahin natin yan.

1. Produkto ng demokrasya. Isinilang ang PSN  noong Marso 17, 1986 o isang buwan makaraang maibalik ang demokrasya sa bansa.

2. Disente- Hindi naging bastos at patuloy na may moralidad ang laman nito.

3. Maka-Diyos- Itinatag kasama ang Panginoon.  Hindi mawawala ang berso ng Bibliya sa bawat isyu.

4. Maka-masa-  Gamit ang wikang Pilipino, tiyak na maiintindihan ng ordinaryong Pinoy ang lahat ng laman nito.

5. Intelihente- Matalinong diskusyon sa mga napapanahong isyu.

6. Sariwa- Palagiang hatid ang pinakabagong balita ng bansa.

7. Makulay- Unang tabloid na nailathala sa iba’t ibang kulay.

8. Makapamilya- Itinaguyod ng ina ng pamilyang Belmonte si Gng. Betty Go-Belmonte, at ipinagpatuloy ng mga anak ang adhikain.

9. Maaasahan- Pandemya man o wala, palaging naririyan ang PSN.

10. Abot-kaya- Palagiang inaabot ang badyet ng masang Pilipino.

11. Patas- Handang pakinggan at ilathala ang lahat ng panig sa mga isyu.

12. Matapang- Babanat sa mga isyu na magtatanggol sa kapakanan ng mga api.

13. Nakakaaliw- Mapa-komiks, nobela, at mga laro, andito lahat.

14. Diyaryo na, magasin pa- may laman na balita, at siksik rin sa tsika sa showbiz.

15. Malinis- maayos ang porma at mga talata, hindi minadali.

16. Propesyunal- Mula editor, reporter, kolumnista at iba pa, pawang mahuhusay.

17. Maaasahan- 363 sa 365 araw sa buong taon na may sirkulasyon.  Walang holiday ang balita.

18. Maka-Pilipino- una ang kapakanan ng mga Pilipino bago ang dayuhan.

19. Totoo- Bawal ang fake news dito.

20. Mapagkumbaba- Handang umamin sa mga pagkakamali.

21. May puso- Dumadamay sa nangangailangan.

22. Hitik- Kumpleto tayo dito. May balita, opinyon, entertainment, nobela, sports, palaro at kung anu-ano pa.

23. Lotto-panalo- Araw-araw na makikita mo dito ang winning numbers ng Lotto. Pabalato kung ikay nanalo.

24. Makulit- Kulitan pero may halong katotohanan.  Sagot nina Brat Pig yan.

25. Nakikita- Kahit saang newstand, andiyan ang PSN.  Hindi ikinakahiya, kaya hindi tinatago.

26. Napapanahon- sariwa lagi ang mga balita. Kaya NGAYON, hindi kahapon.

27. Kinikilala- Samu’t saring parangal na ang natanggap sa mga institusyong nagpapahalaga sa propesyunal na pagbabalita.

28. Kaabang-abang- Inaabangan ang mga subaybayin na mga nobela.

29. Kapaki-pakinabang- Kapupulutan ng aral at impormasyon ang hatid ng kolum sa pagtatanim.

30. Moderno- hindi lang tradisyunal, may social media na rin tayo.

31. Organisado- maayos ang latag ng lay-out, hindi binara-bara.

32. Walang kinikilingan- Kahit sino ang nakaupo, sa taumbayan pa rin ang puso.

33. May inobasyon- bukod sa pisikal na diyaryo, meron ding newspaper application na downloadable, at may presensya sa internet, para higit na maabot ng lahat.

34. Ginagalang- Kinikilala at ginagalang ang mga personalidad na kolumnista.

35. Makatao- Hindi kailanman pinabayaan ng pamunuan ang mga empleyado.

36. Malawak- Daang libo ang kopya nito. May sipi sa lahat ng parte ng bansa.

37. MATATAG- 37 taon na kami! May iba pa ba?

Show comments