^

Bansa

Nawawalang Cessna sa Isabela, nahanap na; 6 sakay, patay

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Nawawalang Cessna sa Isabela, nahanap na; 6 sakay, patay
Search and rescue teams of the 95th Infantry Battalion (95IB), 5th Infantry Division are pictured scouring the Sierra Madre mountains in search of passengers of a missing Cessna plane from Isabela province, January 27, 2023.
Released / Philippine Army

MANILA, Philippines — Matapos ang mahigit isang buwang paghahanap, natagpuan na ang nawawalang Cessna aircraft sa Isabela.

Nabatid kay Atty. Constante Foronda, hepe ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), dakong alas-11:20 ng umaga kahapon nang matagpuan ng mga rescuers ang wreckage sa bundok ng Sierra Madre sa Brgy. Ditarum, Divilican, Isabela. Natagpuan ang wreckage ng eroplano sa loob ng 20 kilometer radius mula sa Maconacon cellsite na isang site delta sa paghahanap sa eroplano.

Ang mga bangkay ay nakita malapit din sa pinagbagsakan ng eroplano. Isa sa mga biktima ay naghiwa-hiwalay ang katawan. Inaasahang maibababa ang mga labi sa loob ng tatlong araw.

Kailangan munang ma-secure ang Cessna plane habang isinasagawa ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang imbestigasyon upang malaman ang sanhi ng pagbagsak.

Nitong Enero 24, tumulak ang Cessna C206 plane RPC 1174 patungong Cauayan Airport sa Isabela papunta sa bayan ng Maconacon. Sakay ng light aircraft ang isang piloto at limang pasahero. Lalapag sana ang eroplano sa Maconacon ng alas-2:45 ng hapon.

Inihayag ng Isabela PDRRMO na maganda ang panahon nang lumipad ang eroplano patungong Caua­yan Airport, subalit naging ‘turbulent’ ang hangin sa Sierra Madre na hangin na posibleng naging dahilan ng pagbagsak ng Cessna plane. - Victor Martin

CESSNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with