PRA, walang dredging ops sa Rosario, Cavite
MANILA, Philippines — Walang seabed quarry operations ang Philippine Reclamation Authority (PRA) sa Rosario, Cavite.
Ito ang nilinaw ni PRA Assistant General Manager Joseph Literal makaraang lumabas ang maling balitang may dredging operations ang nasabing ahensiya, kung saan may fisherfolk community sa nasabing lugar.
Sa isang pahayag, sinabi ni Literal na sa loob ng humigit-kumulang daan-daang libong ektaryang lupa sa Cavite na pinahihintulutan ng pamahalaan ang dredging, tanging 9,000 ektarya lamang ang sakop ng PRA, at hindi kabilang dito ang bayan ng Rosario.
Iba umanong kumpanya ang binigyan ng DENR-Environmental Management Bureau at Mines and Geosciences Board ng “government seabed quarry permit” para magsagawa ng dredging sa municipal waters ng Rosario.
Tanging sakop ng PRA ang mga bayan ng Tanza, Naic, Ternate at Maragondon sa Cavite.
Sa mga lugar na ito, malinaw anya na pinangangalagaan ng PRA ang kapakanan ng mga mangingisda at kanilang pamilya sa Naic at Ternate sa pamamagitan ng livelihood assistance na nakalatag para pagkunan ng dagdag na kabuhayan.
- Latest