^

Bansa

Walang trabaho sa Pilipinas lumobo sa 2.37 milyon

James Relativo - Philstar.com
economy
Workers clean the glass windows of a building in Pasay City on February 21, 2023 .
Ernie Penaredondo

MANILA, Philippines — Lalo pang tumindi ang kawalang trabaho sa Pilipinas sa pagpasok ng 2023 matapos umabot sa 4.8% ang unemployment rate nitong Enero, ayon sa Philippine Statistics Authority.

Kapansin-pansing mas mataas ito kumpara sa nasa 4.3% lang noong Disyembre 2022 sa nakaraang Labor Force Survey ng gobyerno.

"Unemployment rate in January 2023 was estimated at 4.8 percent, translating to 2.37 million unemployed Filipinos," ayon sa PSA, Huwebes.

"This estimated rate is lower than the unemployment rate reported in the same month in 2022 at 6.4 percent."

Kahit tumaas, gumanda na 'di hamak ang estado ng empleyo ng mga Pilipino kumpara noong kasagsagan ng COVID-19 lockdowns noong 2020 kung kailan sumirit ito sa 10.3% noong taong iyon.

Narito ang mga mahahalagang datos sa empleyo noong Enero:

  • Employment rate: 95.2?
  • May trabaho: 47.35 milyon
  • Unemployment rate: 4.8%
  • Walang trabaho: 2.37 milyon
  • Underemployment: 14.1%
  • "Nakukulangan" sa trabaho: 6.65 milyon
  • Labor force participation rate: 64.5?
  • Labor force: 49.72 milyon

Bumaba rin ang employment rate at employed noong nasabing buwan kumpara sa 95.7% bago matapos ang 2022.

"The number of underemployed persons or the employed persons who expressed the desire to have additional hours of work in their present job or to have additional job, or to have a new job with longer hours of work was registered at 6.65 million, translating to an underemployment rate of 14.1 percent in January 2023," sabi pa ng ahensya.

Mas mababa ang kaledad ng trabaho sa ngayon kumpara sa 12.6% lang na underemployment noong Disyembre.

Inilabas ang mga naturang datos ilang araw matapos iulat na bumagal ang pagtaas ng presyo ng bilihin nitong Pebrero 2023 sa 8.6%, bagay na mas maigi kumpara sa inaasahang inflation rate ng Bangko Sentral ng Pilipinas na aabot sa 9.3%.

PHILIPPINE ECONOMY

PHILIPPINE STATISTICS AUTHORITY

UNEMPLOYMENT RATE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with