Walang cyber attack sa NAIA glitch – Senado

Senator Grace Poe
Photo by Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Walang cyber attack o pananabotahe sa nangyaring air traffic control glitch sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Bagong Taon.

Ito ang sinabi ni Senador Grace Poe, chairman ng Senate Committee on public services na siyang nag-imbestiga sa naturang insidente.

Dahil dito kaya inirekomenda ni Poe sa kanyang Committee report No. 39 na amyendahan ang CAAP Charter at Passengers’ Bill of Rights, lumikha ng Philippine Transportation Safety Board, at pagsasabatas ng Philippine Airports Authority Act.

Gayundin ang agarang pagpapalit at upgrade ng mga critical equipment para sa pagpapaganda ng technical capacity ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Iginiit din ni Poe ang pagkakaroon ng sapat na engineering guidelines at pagsasanay ng mga accredited engineers gayundin ng isa pang Communication, Navigation and Surveillance/Air Traffic Management (CNS/ATM) system na nakalagay sa isang independent location.

Hiniling niya na agad na mapagtibay ang Philippine Transportation Safety Board at Philippine Airports Authority Act, ang pag-amyenda ng CAAP Charter, at ang pagpasa ng Air Passengers Bill of Rights para sa kapakanan ng mga pasahero.

Sa ngayon, bagsak ang CAAP sa Air Navigation Services category sa score na 45.28% gayong ang global average ay 65%.

Matatandaan na 60,000 pasahero at 280 flights ang naapektuhan ng sinasabing technical glitch sa NAIA noong Bagong Taon.

Show comments