Walang mawawalan ng trabaho sa hindi makabibili ng e-jeep — Marcos

An artist finishes traditional jeepney signages at his shop in Barangay North Fairview, Commonwealth, Quezon City on March 7, 2023. The PUV modernization program will affect not only drivers and commuters but also other industries related to traditional jeepneys, such as artist Nash Delmoro's business. Modernized jeepney units usually use LED-operated signages.
The Philippine STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Titiyakin daw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang mawawalan ng trabaho habang itinutulak ang modernisasyon ng public utility vehicles — ito matapos niyang pasalamatan ang Piston at Manibela sa pagsuspindi ng kanilang tigil-pasada kontra sa "napakamahal" na jeepney phaseout.

Ito ang sinabi ni Bongbong sa isang ambush interview, Miyerkules, isang araw matapos makipagdayalogo ang transport groups kina Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil at Office of the Executive Secretary Undersecretary Roy Cervantes.

"Of course, napakaimportante na safe ang kanilang mga sasakyan. At kapag tayo nga ay papasok sa era ng electric vehicles ay dadahan-dahanin natin. Ngunit ang problema yata [ng drivers at operators]... ay baka hindi sila mapautang para makapagbili ng bagong sasakyan," ani Bongbong.

"Kaya't 'yan ang tinitignan namin ngayon: na tiyakin na walang mawawalan ng trabaho dahil hindi nakapagbili ng electric vehicle pagdating ng panahon. Wala pa tayo roon."

Matatandaang inanunsyo nina Manibela president Mar Valbuena at Piston president Mody Floranda na ihihinto na nila simula ngayong araw ang dapat sana'y isang linggong tigil-pasada kahit na dalawang araw pa lang gumugulong ang kanilang transport strike.

Nagpahayag na raw kasi ang administrasyong Marcos na bukas itong pag-aralan at rebisahin ang panuntunan ng PUVMP, na siyang idinedetalye sa  Department Order No. 2017-011 ng Department of Transportation at Memorandum Circular 2023-013.

Sa ilalim nito, pipigilan kasing pumasada ang mga indibidwal na operator ng tradisyunal na jeep matapos ang ika-31 ng Disyembre, 2023 kung hindi pa sila magpaloob sa mga korporasyon at kooperatiba, bagay na gagamitin daw tulay para makabili ng mga electric minibuses na hanggang P2.8 milyon kada piraso

Pero sabi ng mga grupo, napakamahal nito lalo na kung 15 units ang kailangan kada tura oras na makonsolida sa Fleet Management System ang mga operator na may kanya-kanyang prangkisa.

"Pero sa ngayon, ang ginagawa lang natin tiyakin lang natin na safe 'yung ating mga sasakyan, na hindi mailalagay sa alanganin ang mga pasahero, ang mga commuter," wika pa ni Marcos.

"Maganda naman ang aming usapan at nabigyan natin ang sarili natin, together with the transport groups and the government ng kaonting oras... nag-postpone tayo [ng deadline] hanggang December. 

"Sa palagay ko sapat na panahon na 'yon upang magawa na natin lahat ng kailangang gawin upang ayusin ang sistema ng pag-inspeksyon at pagpalit ng ating mga jeepney ng ating mga transport workers."

Executive order vs jeepney phaseout ilabas

Una nang sinabi ng Piston at Manibela na hindi sila tutol sa modernisasyon basta't maayos at makatao ang transisyon at hindi magbabaon sa kanila sa utang.

Aniya, mainam na masuportahan ang lokal na industriya at nagpapanupaktura ng mga sasakyan upang hindi na umasa sa mahal at imported na units, habang nakapagbibigay pa nang mas maraming trabaho sa mga manggagawa.

Kanina lang nang sabihin ni Floranda na umabot sa 80-100% ang pagkakaparalisa as mga ruta ng jeep at UV Express sa Metro Manila noong unang araw ng strike, bagay na naging matagumpay daw lalo na't sinuportahan ito kahit ng mga komyuter.

Hinahamon naman ngayon ng Piston si Bongbong na tuluyan nang maglabas ng executive order na siyang magbabasura sa D.O. ng DOTr, habang hinihikayat ang presidenteng paboran ang rehabilitasyon ng mga tradisyunal na jeep patungong modernisasyon.

Show comments