^

Bansa

Mamba, balik bilang Cagayan governor

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Mamba, balik bilang Cagayan governor
Gov. Manuel Mamba speaks to the public after taking his oath on June 30, 2016.
Gov. Manuel Mamba, Facebook

MANILA, Philippines — Balik sa pagiging go­bernador ng lalawigan ng Cagayan si Manuel Mamba makaraang ibasura ng Commission on Elections (Comelec) ang inihaing disqualification laban sa opisyal.

Sa 18-pahinang resolusyon, binaligtad ng Comelec en banc ang resolusyon ng Comelec Second Division na nagdidiskuwalipika kay Mamba dahil sa mga alegasyon ng paggamit ng pondo ng gobyerno sa election period mula Marso 25 hanggang Mayo 8, 2022.

Ikinatwiran ng Comelec na wala silang hurisdiksyon na magpalabas ng desisyon sa diskuwalipikasyon ni Mamba dahil ang petisyon ay isinampa makaraan ang kaniyang proklamasyon.

Nabatid na naiproklama na gobernador ng Cagayan si Mamba noong ala-1:39 ng madaling araw ng Mayo 11, habang naisampa ang petisyon laban sa kaniya ni Ma. Zarah Rose De Guzman Lara dakong alas-6:21 ng gabi ng Mayo 10 sa pamamagitan ng email kung kailan tapos na ang office hours. Opisyal na natanggap lamang umano ng komisyon ang petisyon dakong alas-8 ng umaga ng Mayo 11.

Ayon naman kay Mamba, ang desisyon ng Comelec ay tagumpay ng 302,025 Cagayanon na bumoto at nagtiwala sa kanya.

Tiniyak din ni Mamba na walang insidente ng vote-buying at nangakong ibibigay ang pinakamahusay na serbisyo sa lahat ng Cagayano.

Sa kabila nito, inirefer naman ng komisyon ang alegasyon laban kay Mamba sa kanilang law department para magsagawa ng preliminary investigation.— Victor Martin

COMELEC

MANUEL MAMBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with