MANILA, Philippines — Nagbabala ang University of the Philippines-Marine Science Institute na posibleng lumala ang oil spill hanggang Northern Palawan kaugnay ng paglubog ng barko sa Oriental Mindoro.
Ayon sa UP-MSI, na sa pagsapit ng March 12 ay maaaring maabot ng pagkalat ng industrial oil ang malaking bahagi ng Palawan.
Sa ngayon anila ay nasa Cuyo Island na ang oil spill at patuloy pa itong lumalawak bunsod na rin ng malakas na alon dulot ng hanging amihan.
Malaki rin ang paniwala ng UP na maaaring maaapektuhan ang ilang bahagi ng tourist island sa naturang probinsya kaya’t dapat agad na tumalima sa problema sa oil spill ang DENR, Philippine Coast Guard at iba pang ahensya ng gobyerno para mapigilan ang malawakang pinsala sa karagatan.