^

Bansa

P592 milyong iligal na droga nasamsam sa anti-narcotics drive ng Pangulong Marcos admin

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
P592 milyong iligal na droga nasamsam sa anti-narcotics drive ng Pangulong Marcos admin
Sa kanilang Operational Assessment Report, sinabi ng PDEA na bukod sa multi-milyong pisong haul ng illegal narcotics, nakaaresto rin ito ng 4,499 drug personalities at nagsampa ng 7,720 kaso ng droga.
Pixabay

MANILA, Philippines — Ipinagmalaki ng Malacañang ang ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nasa P592 milyon halaga ng ilegal na droga ang nasamsam sa pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga ng administrasyong Marcos.

Sa kanilang Operational Assessment Report, sinabi ng PDEA na bukod sa multi-milyong pisong haul ng illegal narcotics, nakaaresto rin ito ng 4,499 drug personalities at nagsampa ng 7,720 kaso ng droga.

Kabilang sa mga malalaking ilegal na droga na nasamsam sa operasyon ng PDEA ay shabu (methamphetamine hydrochloride) na nagkakahalaga ng P403.4 milyon; cocaine powder, P15.9 milyon; ecstasy tablet, P19.9 milyon; kush, P19.8 milyon at milyun-milyong halaga ng marijuana sa anyo ng mga tuyong dahon, bricks, halaman, at tangkay.

Sinabi ng PDEA sa ilalim ng kanilang Barangay Drug Clearing Program, 26,952 barangay, o 64.1 porsyento ang idineklarang drug-free mula sa 42,046 barangay sa buong bansa.

May 8,585 barangay o 20.4 porsiyento ang nananati­ling apektado ng droga. Ang Metro Manila ang nagtala ng pinakamataas na bilang ng naapektuhan ng droga na may 53.9 porsiyento habang ang Mimaropa ang may pinakamababa na 2.8 porsyento.

Sa 6,109 barangay na idineklarang drug-free noong Enero 2023, karamihan ay mula sa Eastern Visayas.

Sinabi ng PDEA na shabu at marijuana ang dalawang madalas na inaabusong droga sa bansa, na may 4,258, o 94.6 porsiyento ng mga naaresto ay may kinalaman sa shabu, habang 240 o 5.3 porsiyento ay may kaugnayan sa marijuana.

DRUGS

PDEA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with