2 mananaya sa Laguna, 1 sa Novaliches tinamaan pinaghalong P86.9-M lotto jackpot

People line up to place their bets at a lotto outlet along Kamuning in Quezon City on Saturday (May 21, 2022).
STAR/Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Paghahatian ng dalawang mananaya mula sa probinsya ng Laguna ang P11.63 milyong jackpot prize ng Grand Lotto 6/45 habang solo namang makukuha ng isang taga-Quezon City ang P75.24 milyong papremyo ng Grand Lotto 6/55 — ang lahat ng ito nangyari sa iisang araw.

Ito ang ibinalita ng Philippine Charity Sweepstakes Office, Martes, patungkol sa mga lotto draw na isinagawa kahapon.

"Two (2) Winning Tickets were bought in San Pablo City, Laguna," wika ng PCSO sa isang pahayag kanina.

"One (1) Winning Ticket was bought in Novaliches, Quezon City, Metro Manila."

 

 

Tinayaan ng dalawa ang mga sumusunod na numero: 25-04-11-35-15-09. Napili naman ng solong winner ng Grand Lotto 6/55 ang 09-08-05-01-30-52.

Sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion law, pinapatawan ng 20% na buwis ang mga premyong lagpas ng P10,000. Dahil dito, hindi nila buong makukuha ang mga ito.

"All winnings should be claimed within one year from the date of the draw otherwise the same would be forfeited to form part of the Charity Fund," panapos ng PCSO.

Show comments