^

Bansa

Mababang amortization sa housing project, tiniyak ni Pangulong Marcos Jr

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Mababang amortization sa housing project, tiniyak ni Pangulong Marcos Jr
Ang proyektong ito at iba pang mga pabahay ng 4PH ay para sa mga minimum wage earners, ang ating mga informal settlers, mga nakatira sa mga danger zone, at sa mga kababayan nating naghahangad ng mura, simple, at komportableng bahay,” pahayag ni Marcos sa groundbreaking ceremony para sa 4PH Project ng Cebu City kung saan 30,000 housing units para sa mga residente ang itatayo.
Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Lunes ang abot-kayang buwanang amortisasyon ng mga proyektong pabahay ng kanyang administrasyon.

“Ang proyektong ito at iba pang mga pabahay ng 4PH ay para sa mga minimum wage earners, ang ating mga informal settlers, mga nakatira sa mga danger zone, at sa mga kababayan nating naghahangad ng mura, simple, at komportableng bahay,” pahayag ni Marcos sa groundbreaking ceremony para sa 4PH Project ng Cebu City kung saan 30,000 housing units para sa mga residente ang itatayo.

Tinawag na Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program, ang pangunahing programa ng pabahay ng administrasyong Marcos ay nag­lalayong tugunan ang kakulangan sa pabahay ng bansa sa pamamagitan ng pagtatayo ng isang milyong bahay kada taon para sa susunod na anim na taon.

Nauna rito, nanawagan ang Pangulo sa Kongreso na isama sa pambansang badyet ang probisyon ng pagkakaroon ng interest subsidy support para sa mga housing project sa pambansang badyet para sa mga susunod na taon.

Nauna nang sinabi ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino Acuzar na maaaring mabawasan ang monthly amortization sa tulong ng interest subsidy. Sa halip na P8,000, maaaring magbayad ang isang pamil­ya ng P3,500 hanggang P4,000 kung mayroong subsidy sa interes.

Samantala, hinimok din ni Marcos ang mga benepisyaryo ng pabahay na pangalagaan ang kanilang mga tirahan kapag natapos na at i-turn over sa kanila.

DHSUD

FERDINAND MARCOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with