PNP sasama sa PCG, Navy sa maritime security operations sa teritoryo ng Pinas

Newly procured equipment that include P1.2 billion worth of vehicles, motorcycles, guns, and tactical watercraft was presented by Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. during the PNP Capability Enhancement Program held at Camp Crame in Quezon City on February 27, 2023.
Photo by Michael Varcas/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Plano ng Philippine National Police (PNP) na tumulong sa Philippine Coast Guard(PCG) at Philippine Navy (PN) sa joint maritime operations sa karagatan ng Pilipinas.

Ayon kay PNP chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr., nais nilang makatulong sa PCG at PN sa pagbabantay sa karagatan ng bansa mula sa iba’t ibang uri ng illegal activities kabilang ang human trafficking.

Aniya, nais nilang magkaroon ng kasunduan o memorandum of understanding para sa pagsasanib puwersa para mapangalagaan at mabantayan ang karagatan.

“We wanted to have a memorandum of understanding na magsanib puwersa kami para sa pagse-secure natin sa mga karagatan natin (to join forces so we can secure our waters),” wika niya.

Dagdag ni Azurin, kailangan na madagdagan ang presensiya ng law enforcement sa territorial waters.

Itatalaga ang mga pulis malapit sa shoreline at ilang boundaries.

Show comments