^

Bansa

Ika-155 Malasakit Center binuksan sa Ipil, Zamboanga Sibugay

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Personal na dumalo si Senator Christopher “Bong” Go sa paglulunsad ng ika-155 Malasakit Center ng bansa sa Dr. George T. Hofer Medical Center sa Ipil, Zamboanga Sibugay.

Ito na ang ikawalong Malasakit Center sa Zamboanga Peninsula, kasunod ng mga nasa Zamboanga City Medical Center, Mindanao Central Sanitarium, at Labuan General Hospital, lahat sa Zamboanga City; Jose Rizal Memorial Hospital sa Dapitan City; Zamboanga del Norte Medical Center sa Dipolog City; Zamboanga del Sur Medical Center sa Pagadian City at Margosatubig Regional Hospital sa Margosatubig.

Bilang tagapangulo ng Senate committee on health and demography, nangako si Go na titiyakin ang mga programang tulong medikal ng gobyerno ay nakararating sa lahat, partikular sa malalayong komunidad.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Go na batid niya ang mga hamon na kinakaharap ng mga Pilipinong may kakapusan sa pinansiyal, dahilan upang simulan niya ang programang Malasakit Centers noong 2018.

Kalaunan ay na-institutionalize ito sa ilalim ng Republic Act No. 11463, kilala rin bilang Malasakit Centers Act of 2019, na pangunahing iniakda at itinaguyod ni Go sa Senado.

MALASAKIT CENTER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with